spinsord
Male
Quezon City

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


rss feed

Tuesday, March 11, 2008
Camiling's Finests

CamilingCamilingCamiling

-isang bayan na nadadaanan ng mga bus patungong alaminos o di kayay san carlos. ayon sa wikipedia isa itong 1st class na bayan sa probinsya ng tarlac. marahil narinig ng wiki ang tsismis na maraming mga nakatirang mayayaman dito. o di kayay dahil naglipana ang mga bangko, sanglaan, at fastfood chains dito.

di man ako dito ipinanganak, pero dito na ako lumaki at bumuo ng aking pagkatao.

anu ba meron ang Camiling?

nandyan ang ilog at tulay na may kataasan na umuuga kapag  may dumadaan. na hanggang ngayon natatakot pa rin akong dumaan paminsan minsan.

ang simbahang historical kasi luma na. slight na gumuho noong lindol, nilooban ng masasamang loob, at nasunog at di na naayos. ngayon isa na lamang siyang ihian ng mga driver ng tricycle at mga nanonood ng basketball o di kayay takbuhan ng mga kabataan para sa kung anu man gagawin sa loob ng simbahan at kumbento.

munisipyong maganda xempre. malaking version siya ng munisipyo ng Victoria, laging malinis at approachable mga kawani ng munisipyo, lalu na mga pulis. nung bata ako naglalaro din ako sa lumang puno ng balete dito at namumulot ako ng mga bunga ng mabolo. may mga ibon din dati sa aviary at ang library noon ay maliit pa lamang.

palengke. ang palengke ditoy natutulog (di gaya ng mga nandito sa maynila na (24/7). nasa 3am-7pm ang oras dito. pero buhay pa rin ang paligid ng palengke kahit dis-oras na. nandyan ang pansit kantunan ng mga driver at lasing, balutan, bibingkahan. sa palengke rin dito makikita ang mga ipinagmamalaking produkto ng bayan ang chicharon (lechon kawali) camiling, at ang inuruban (green colored rice, i have no idea how the make it, na ginagawang kakanin). dito rin sa palengke ang isa kong playground noon or till ngayon ata.

jollibee at chowking... alam naman na natin kung anu laman nyan.

TCA. isang kolehiyo na malawak, mapuno, at nakakarelax. sa sobrang pagrerelax minsan ng mga estudyante, nagbibilyar, nagvivideoke, at umiinom sila sa mga karatig na establisyemento.

Maraming masasarap na kainan dito na iaayon sa gusto mo at sa budget mo. Nandyan ang hilera ng karinderia sa loob ng palengke, linas mami, lolengs pulutan, bbq nila vilmas, rolexies at jj, inihaw na bangus sa may paradahan, ambulahan sa may dulo ng arellano at sa may diego silang, perla's kitchinette, gotohan ni dong at ni pasing, renegade at madami pa.

ang blog na to ay maglalathala ng mga bagay bagay na meron sa bayan ng camiling. parang review sa mga kung anu man meron.

-proud to be Camileņo


Posted at 01:30 am by spinsord
Make a comment